Customer Assistance Program - Tubig/Wastewater
Espanyol | 中文 | Pilipino | Tiếng Việt | عربي | Pусский | Samoano
Kung mababa ang inyong kita at nagbabayad kayo ng bill ng tubig at sewer sa SFPUC, posibleng kuwalipikado kayong makatanggap ng 25% o 40% diskuwento sa inyong bill!
Aplikasyon para sa Water/Wastewater CAP
BAGO: Ang mga customer na naka-enroll sa Customer Assistance Program (CAP) ay HINDI KASAMA sa mga puwedeng putulan ng tubig at patawan ng mga lien. Mag-apply na!
Mga Kahingian sa Pagiging Kuwalipikado:
- May iisa lang kayong service account para sa tubig at sewer sa SFPUC.
- Nakapangalan sa inyo ang inyong bill sa tubig at sewer.
- Full-time na residente kayo sa address kung saan matatanggap ang diskuwento.
- Hindi kayo nakalistang dependent sa tax return ng ibang tao.
- Mayroon kang residential single-family account na indibidwal na sinusukat. Ang mga halimbawa ng mga account na hindi karapat-dapat para sa CAP ay kinabibilangan ng serbisyo sa sunog, residential multiple, irigasyon, komersyal, at pakyawan na mga account.
- Hindi lampas ang pinagsamang gross na kita ng sambahayan ninyo sa Mga Alituntunin ng CAP sa Kita na nasa ibaba.
Para maging kuwalipikado para sa CAP, dapat na mas mababa o katumbas ng halagang makikita sa talahanayan sa ibaba ang kabuuang pinagsamang kita ng inyong sambahayan:
Laki ng Sambahayan | Taunang Kita ng Sambahayan (40% na diskwento) | Taunang Kita ng Sambahayan (25% na diskwento) | ||
---|---|---|---|---|
1 Tao | $31,450 | $52,450 | ||
2 Tao | $35,950 | $59,950 | ||
3 Tao | $40,450 | $67,450 | ||
4 Tao | $44,950 | $74,950 | ||
2024 San Francisco Area Median Income, San Francisco Mayor's Office of Housing and Community Development |
Hanapin ang antas ng iyong Area Median Income (AMI).
San Francisco (sf.gov)
Unahing paglingkuran ang aming mga komunidad. Kung hindi pa kayo nakakabayad ng mga bill ninyo, magagamit ng mga kostumer ang umaangkop na plano ng pagbabayad sa pagtawag sa Customer Services sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday).
Impormasyon ng Application
Mag-apply online, i-print at ipadala sa mail ang aplikasyon sa ibaba, o tumawag sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday) para humiling na padalhan kayo sa mail ng aplikasyong naka-print sa papel. Puwede rin kayong mag-apply nang personal sa 525 Golden Gate Avenue, San Francisco, 1st Floor, sa Customer Service Counter.
Beberipikahin ang pagiging kuwalipikado sa kita sa panahon ng aplikasyon. Beberipikahin ng aming online na aplikasyon ang kita gamit ang TransUnion. Para sa mga aplikanteng nakakatanggap ng pampublikong tulong mula sa Ahensya para sa mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA), puwede nila kaming pahintulutang beripikahin ang kanilang kita sa HSA sa pamamagitan ng pag-print at pag-mail ng aplikasyon sa ibaba.
Kung tatanggihan ang isang aplikasyon dahil sa pagiging hindi kuwalipikado, puwedeng umapela ang aplikante. Nakasulat dapat ang apela at may kasama dapat itong pansuportang dokumentasyon sa loob ng 30 araw ng pagtanggi.
Ipadala ang mga apela sa mail sa:
San Francisco Water, Power and Sewer
Attn: Programa ng CAP
525 Golden Gate Ave., 2nd Floor
San Francisco, CA 94102
Impormasyon sa Diskwento ng CAP
Makakatanggap ng diskuwento ang mga kuwalipikadong kostumer magmula sa unang buong ikot ng billing pagkatapos na maaprubahan ang kanilang aplikasyon. Mangyaring maglaan ng 3-4 na linggo para maproseso ang inyong aplikasyon. Mailalapat ang mga diskuwento para sa bawat bill sa loob ng 36 buwan, kung kailan ay hihilingin sa kostumer na mag-apply ulit para sa diskuwento, o hanggang sa umalis sa programa ang kostumer, dahil sa kusang pagsasabi ng pagbabago ng kita o nalamang hindi na sila kuwalipikado.
Puwedeng kumpirmahin ng SFPUC ang pagiging kuwalipikado anumang oras habang tumatanggap ang kostumer ng diskuwento sa CAP. Puwedeng kanselahin ng SFPUC ang partisipasyon dahil sa hindi pagiging kuwalipikado.
-
Mga Madalas Itanong
Kuwalipikado ba ako?
Kuwalipikado ang mga sambahayang nakakatugon sa lahat ng sumusunod na kahingian para sa CAP program sa tubig at sewer:- May iisa lang kayong service account para sa tubig at sewer sa SFPUC.
- Nakapangalan sa inyo ang inyong bill sa tubig at sewer.
- Full-time na residente kayo sa address kung saan matatanggap ang diskuwento.
- Hindi kayo nakalistang dependent sa tax return ng ibang tao.
- Mayroon kang residential single-family account na indibidwal na sinusukat. Ang mga halimbawa ng mga account na hindi karapat-dapat para sa CAP ay kinabibilangan ng serbisyo sa sunog, residential multiple, irigasyon, komersyal, at pakyawan na mga account.
- Hindi lampas ang pinagsamang gross na kita ng sambahayan ninyo sa Mga Alituntunin ng CAP sa Kita na nasa ibaba.
Ang mga sambahayang may pinagsama-samang taunang kita bago kaltasin ang buwis na mas mababa sa o katumbas ng 50% ng Area Median Income ng San Francisco ay kuwalipikado para sa mga diskuwento sa bill ng tubig at sewer na 25%, at ang mga sambahayang may pinagsama-samang taunang kita bago kaltasin ang buwis na mas mababa sa o katumbas ng 30% ng Area Median Income ng San Francisco ay kuwalipikado para sa mga diskuwento sa bill ng tubig at sewer na 40%. Tingnan ang talahanayan sa ibaba kung kuwalipikado ang inyong sambahayan.
Laki ng Sambahayan Taunang Kita ng Sambahayan (40% na diskwento) Taunang Kita ng Sambahayan (25% na diskwento) 1 Tao $31,450 $52,450 2 Tao $35,950 $59,950 3 Tao $40,450 $67,450 4 Tao $44,950 $74,950 2024 San Francisco Area Median Income, San Francisco Mayor's Office of Housing and Community Development Hanapin ang iyong Area Median Income (AMI) level | San Francisco (sf.gov)
Ano ang kasama sa kita ng sambahayan?
Ang kita ng sambahayan ay ang pinagsamang gross na kita ng LAHAT ng tao na nakatira sa sambahayan, nabubuwisan man o hindi. Kasama rito ang mga miyembro ng pamilya o mga roommate na hindi kamag-anak. Kasama sa gross na kita ang mga sumusunod, pero hindi limitado sa kabuuang kita mula sa mga ito: mga sahod, suweldo, pension, benepisyo para sa walang trabaho, kabayaran sa pagkakaroon ng kapansanan, bayad-pinsala para sa manggagawa, kita sa sariling negosyo (IRS Form 1040 Schedule C), suporta sa anak o galing sa asawa, interes o mga dividend mula sa savings accounts, stocks, bonds, retirement accounts, kita mula sa upa o royalty, cash income o mga regalo, mga scholarship, mga grant, o iba pang ayuda na ginagamit sa mga gastusin sa buhay, seguro, o nakuha mula sa kasunduang legal (mula sa mga paghahabla), Social Security, SSI, SSP, mga food stamp, o TANF (Temporary Assistance for Needy Families) o AFDC (Aid to Families with Dependent Children).Sino ang mga kasama sa isang sambahayan?
Kasama sa isang sambahayan ang lahat ng tao na nakatira sa iisang tahanan (apartment, condo, bahay) na sineserbisyuhan ng iisang SFPUC account para sa tubig at wastewater.Kailangan ko bang magsumite ng patunay ng kita?
Beberipikahin ng SFPUC ang pagiging kuwalipikado ng kita gamit ang TransUnion o sa pamamagitan ng SFHSA kung tumatanggap kayo ng CALWORKS, CALFRESH, o MEDI-CAL. Kung hindi namin maberipika ang pagiging kuwalipikado ninyo, makikipag-ugnayan kami sa inyo para sa higit pang impormasyon.Paano beberipikahin ng SFPUC ang kita ng aming sambahayan?
Ang pagberipika ng kita ay isasagawa sa pamamagitan ng:-- TransUnion: Ang pagpipiliang ito ay magagamit lamang sa pamamagitan ng online na aplikasyon. Ang pangalan at petsa ng kapanganakan para sa lahat ng kumikita ay kinakailangan upang i-verify ang kita sa pamamagitan ng TransUnion. Gumagamit ang TransUnion ng impormasyon mula sa mga form ng buwis at kasaysayan ng kredito upang matukoy ang kita. Ang pagpapatunay ay HINDI makakaapekto sa iyong credit score.
o sa pamamagitan ng
-- San Francisco Human Services Agency (HSA): Ahensiya para sa mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (Human Services Agency): Kailangan ng naka-print na aplikasyon para sa opsyong ito. Ang mga sambahayang kasalukuyang nakakatanggap ng mga benepisyo mula sa alinman sa mga sumusunod na programang ipinatutupad ng HSA (CalWorks, CalFresh, at Medi-Cal) ay kuwalipikado para sa pagberipika ng kita gamit ang impormasyong naisumite na ninyo dati sa Lungsod. Kinakailangan ang pangalan, petsa ng kapanganakan, at huling 4 na digit ng social security number para sa lahat ng miyembro ng sambahayan. Mangyaring mag-print at mag-mail ng aplikasyon sa ibaba.
Paano ko malalaman kung naaprubahan ako o tinanggihan?
Magbibigay ang SFPUC ng liham ng desisyon sa pamamagitan ng email, o kung walang email sa file, sa pamamagitan ng United States Postal Service mail.Paano kung hindi ako naaprubahan para sa programa pero naniniwala akong kuwalipikado ako?
Papadalhan kayo ng SFPUC ng email o naka-mail na liham para ipaalam sa inyo na tinanggihan ang inyong aplikasyon at ang dahilan kung bakit. Magkakaroon din dito ng impormasyon tungkol sa proseso ng paghiling ng review.Paano kung hindi maberipika ng TransUnion o SFHSA ang kita ko?
Kokontakin namin kayo para sa higit pang impormasyon kung hindi namin maberipika ang pagiging kuwalipikado ninyo.Paano ako makakapagpalista?
Sagutan ang isang aplikasyong online (sa itaas) o mag-print ng aplilkasyon sa papel (sa ibaba), o tawagan ang Customer Service sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban sa mga holiday), at humiling na padalhan kayo ng aplikasyon sa papel. Puwede rin kayong mag-apply nang personal sa 525 Golden Gate Avenue, San Francisco, 1st Floor, Customer Services Counter.Anong mga dokumento ang kailangan kong ibigay kasama ng aplikasyon ko?
Kapag gagamit ng HSA o TransUnion para beripikahin ang kita, wala. Kung hindi namin maberipika ang pagiging kuwalipikado ninyo, makikipag-ugnayan kami sa inyo para sa higit pang impormasyon.Ayaw kong gumamit ng TransUnion o SFHSA para beripikahin ang kita ko. May iba pa bang opsyon?
Puwede kayong magsagot ng papel na aplikasyon at maglagay ng patunay ng kita. Kasama sa mga tinatanggap na patunay ng kita ang: 2 magkasunod na payslip, 2 magkasunod na kopya ng mga tseke ng Social Security, 2 magkasunod na kopya ng mga tseke ng SSI, mga W-2 form, Liham ng Beripikasyon sa Benepisyo ng Social Security, o pahayag ng mga benepisyo para sa kawalan ng trabaho. Pakitawagan ang Customer Service sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban sa mga holiday) para sa tulong. Puwede kayong mag-print out ng aplikasyon sa ibaba, o tawagan ang Customer Service at hilingin sa kanila na padalhan kayo ng papel na aplikasyon sa mail.Gaano kalaki ang matitipid ko?
Ang mga sambahayang may pinagsama-samang taunang kita bago kaltasin ang buwis na mas mababa sa o katumbas ng 50% ng Area Median Income ng San Francisco ay kuwalipikado para sa mga diskuwento sa bill ng tubig at sewer na 25%, at ang mga sambahayang may pinagsama-samang taunang kita bago kaltasin ang buwis na mas mababa sa o katumbas ng 30% ng Area Median Income ng San Francisco ay kuwalipikado para sa mga diskuwento sa bill ng tubig at sewer na 40%.Gaano katagal bago mailapat ang mga diskuwento ko?
Ipoproseso ang mga aplikasyon pagkatanggap sa mga ito. Mangyaring maglaan ng 3-4 na linggo para maproseso ang inyong aplikasyon. Ilalapat ang mga diskuwento magmula sa unang buong ikot ng billing pagkatapos maaprubahan ang aplikasyon.Ano ang mangyayari kapag nagbago ang kita ko at hindi na ako kuwalipikado?
Sa pag-enroll sa programang ito, tungkulin ninyong abisuhan ang SFPUC kapag naging hindi na kuwalipikado ang sambahayan ninyo para sa programa. Pakikontak ang isang Customer Services Representative sa 415-551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday), o mag-email sa customerservice@sfwater.org. customerservice@sfwater.org.Ano ang mangyayari kapag nagbago ang kita ko at sa ibang diskuwento na ako kuwalipikado?
Mangyaring magsumite ng bagong aplikasyon para sa pagpoproseso. Bibigyan ng ibang diskuwento ang mga aplikante kung kuwalipikado.Isa akong nangungupahan. Kailangan ko ba ang pahintulot ng landlord ko para makasali sa programang diskuwento ng CAP?
Kung kayo ang may hawak ng SFPUC account, makaka-enroll kayo deretso sa programang ito at mailalapat ang diskuwento sa inyong account anuman ang status ninyo bilang nangungupahan. Kung nangungupahan kayo at ang inyong landlord ang may hawak ng account at kayo ang nagbabayad ng mga utility sa pamamagitan ng renta o iba pang pagpapasa (passthrough), sa kasamaang palad ay hindi mailalapat ang diskuwento para sa inyong sambahayan gamit ang bill ng inyong landlord.Kakailanganin ko bang muling mag-enroll sa CAP?
Oo, kapag na-enroll na kayo, kailangan ninyong i-renew ang inyong aplikasyon kada 3 taon. Padadalhan kayo ng paalala kasama ang mga hakbang kung paano mag-apply ulit. Kapag hindi kayo nag-renew, awtomatikong hihinto ang diskuwento tatlong taon (36 buwan) pagkasimula nito. Kailangan din ninyong mag-enroll ulit kapag isinara ninyo ang inyong account, lumipat kayo ng lugar, at pagkatapos ay nagbukas kayo ng bagong account.Kailan matatapos ang pagbibigay ng diskuwento?
Patuloy na mailalapat ang diskuwento sa inyong buwanang bill hanggang mangyari ang isa sa mga sumusunod:- Kapag sinabi ninyo sa PUC na hindi na kuwalipikakdo ang inyong sambahayan;
- Napili na ma-review ang inyong sambahayan sa pamamagitan ng taunang pagsusuri, at natukoy na hindi na kayo kuwalipikado, o;
- Hindi kayo nakapag-enroll ulit pagkalipas ng 3 taon. Awtomatikong titigil ang diskuwento pagkatapos ng 36 na buwan kapag hindi kayo muling nag-enroll.
May iba pa bang programa sa pagtitipid o ayuda na iniaalok ang SFPUC?
Oo. Makukuha ang karagdagang impormasyon tungkol sa diskuwento sa tubig, kuryente, at sewer sa www.sfpuc.gov/billreliefAlamin ang tungkol sa mga libreng device para makatipid ng tubig, mga rebate at mapagkukunan ng tulong at impormasyon sa www.sfpuc.gov/savewater.Ligtas ba ang impormasyon ko?
Oo. Mahalaga sa amin ang pagiging pribado ng inyong impormasyon. Pananatilihin ng SFPUC na kumpidensiyal ang inyong impormasyon at gagamitin lang ito para matukoy ang pagiging kuwalipikado ninyo sa programa.Anong uri ng mga account ang hindi kuwalipikado sa mga diskuwento sa CAP?
Hindi kuwalipikado para sa mga diskuwento sa CAP ang anumang residensyal na single-family account na hindi nakahiwalay ang metro. Kasama sa mga halimbawa ng mga account na hindi kuwalipikado sa CAP ang mga account para sa serbisyo sa sunog, multiple na residensyal, irigasyon, komersyal, at wholesale. -
Mag-print ng Mga Application para sa Customer Assistance Program Application para sa RESIDENTIAL Single-Family Customers
- Application ng Customer Assistance Program sa Arabic
- Aplikasyon ng Customer Assistance Program sa Chinese
- Aplikasyon ng Customer Assistance Program sa English
- Aplikasyon ng Customer Assistance Program sa Filipino
- Application ng Customer Assistance Program sa Russian
- Aplikasyon ng Customer Assistance Program sa Samoan
- Aplikasyon ng Customer Assistance Program sa Spanish
- Aplikasyon ng Customer Assistance Program sa Vietnamese