Proposisyon 218: Abiso para sa Iminungkahing Singil sa Tubig at Imburnal
Espanyol | 中文 | Pilipino | Tiếng Việt | عربي | Pусский | Samoano
Digital na Bersyon ng Proposition 218 Mailer
Ang impormasyong ibinigay sa ibaba ay kapareho ng kung ano ang ipinadala sa paunawa ng Proposisyon 218 sa mga nagbabayad ng singil at mga may-ari ng ari-arian. Na-update ang layout upang matugunan ang mga alituntunin sa pagiging naa-access. Kung gusto mo ng kopya ng nai-mail na bersyon, mangyaring mag-email sa amin sa ratesinfo@sfwater.org.
Mga Iminumungkahing Singil sa Tubig at Alkantarilya para sa mga Piskal na Taon na Magtatapos sa 2027-2028
Araw-araw, ang Komisyon ng mga Pampublikong Utilidad ng San Francisco (San Francisco Public Utilities Commission, SFPUC) ay naglalabas ng malinis na enerhiya, naghahatid ng mataas na kalidad na tubig sa 2.7 milyong customer sa Bay Area, at pinoprotektahan ang kapaligiran at pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng paglinis at pagproseso ng maruming tubig at tubig-ulan para sa mga residente at negosyo ng San Francisco. Ang aming gawain ay halos eksklusibong pinopondohan ng mga singil na binabayaran ng mga customer. Nagtatrabaho ang aming mga sistema nang 24 na oras sa isang araw; 7 araw sa isang linggo. Kami ay hindi kumikitang pampublikong utilidad na ang mga singil ay sumasalamin sa gastos sa pagpapatakbo, pagpapanatili, at pag-upgrade ng ating tubig at mga sistema ng alkantarilya. Upang magpatuloy sa paghahatid ng mga serbisyo kung saan umaasa ang mga taga-San Francisco, nagmumungkahi ang SFPUC ng mga pagtataas sa singil sa tubig at alkantarilya, epektibo sa Hulyo 1, 2026.
Mga Pinupuntahan ng Iyong mga Dolyar
Kritikal sa pampublikong kalusugan ang tubig at mga sistema ng alkantarilya. Nakatuon ang SFPUC sa pagbibigay sa mga customer ng ligtas, maaasahan, at abot-kayang iniinom na tubig at sistema ng alkantarilya na pumuprotekta sa pampublikong kalusugan at sa kapaligiran. Ang mga sistemang ito ay nangangailangan ng patuloy na pagmementina at pag-upgrade. Maraming bahagi ng sistema ng tubig ng SFPUC ang halos 100 taong gulang na, at ang mga pinakalumang bahagi ng sistema ng alkantarilya ay mula pa noong Gold Rush. Kailangan natin na patuloy na panatilihin at i-upgrade ang mga nalulumang sistema upang maiwasan ang mga pagkasira, matugunan ang mahihigpit na regulasyon, matiyak ang maaasahang serbisyo, mapabuti ang kaligtasan sa lindol, at maprotektahan ang kapaligiran.
Binabayaran ng mga Singil sa Iyo ang:
- 24/7 na Pagpapatakbo
- Regular na Pagpapanatili at mga Pang-emerhensyang Pagkukumpuni
- Mga Pagpapabuti sa Imprastruktura
- Paghahatid at Paglilinis
- Pagsubaybay na Pangkapaligiran
- Pamamahala ng Watershed at Lupa
- Mga Programang Pangkomunidad
Mga Paraan para Makatipid
ag-aalok ang SFPUC ng iba’t ibang rebate, programa, at insentibo upang matulungan ang mga customer na mapababa ang kanilang bayarin. Matuto pa kung paano makatipid sa iyong bayarin sa utilidad.
Ang Aming Proseso ng Pagtatakda ng Pampublikong Singil
Nakatuon ang SFPUC sa malinaw na proseso ng pagtatakda ng pampublikong singil na ginagabayan ng mga prinsipyong nakasaad sa ating Patakaran ng Pagtitiyak sa Nagbabayad ng Singil (Ratepayer Insurance Policy). Gaya ng iniaatas sa Saligang Batas ng San Francisco, nakumpleto ng independiyenteng konsultant sa singil ang pag-aaral sa gastos sa serbisyo. Ang mga natuklasan sa pag-aaral sa mga singil ay nagbibigay ng batayan para sa aming iminumungkahing singil, na dumadaan sa malawakang proseso ng pag-apruba ng publiko. Kabilang sa prosesong iyon ang Lupon sa Pagiging Patas ng Singil (Rate Fairness Board), na binubuo ng mga customer at iba pang itinalaga ng SFPUC. Nagdaraos ang Lupon sa Pagiging Patas ng Singil ng mga pampublikong pagpupulong at nagbibigay ng mga rekomendasyon upang matiyak ang pagiging abot-kaya, katatagan, at pagiging patas.
Ang mga interesadong customer at iba pang mga partido ay puwedeng magbigay ng mga komento tungkol sa mga iminumungkahing singil sa mga pagdinig ng Lupon sa Pagiging Patas ng Singil at Komisyon. Upang matutunan pa ang tungkol sa aming pakete ng mga singil, proseso ng pagtatakda ng singil, at mga nalalapit na pagpupulong, bumisita sa sfpuc.gov/2026-rates.
Ang pag-aaral ng mga singil na ginagamit ng SFPUC bilang batayan para sa mga pagkilos na ito ay makikita sa sfpuc.gov/2026-ratesIbibigay din ang mga kopya kapag hiniling. Mangyaring mag-email: ratesinfo@sfwater.org.
Iskedyul ng mga Iminumungkahing Singil
Ang SFPUC ay nagmumungkahing i-update ang mga singil sa tubig at alkantarilya epektibo sa Hulyo 1, 2026. Para sa karaniwang sambahayan sa tirahang pang-isahang pamilya sa San Francisco, ang iminumungkahing bagong iskedyul ng singil ay kumakatawan sa karaniwang pagtataas sa pinagsamang buwanang bayarin na humigit-kumulang $21 at $23 kada buwan sa mga piskal na taon 2027 at 2028 (humigit-kumulang 12.6% at 12.5% kada taon).
Ang mga sumusunod na seksyon ay naglalarawan sa mga bahagi ng bayarin na ito para sa mga residensyal at hindi residensyal na customer. Ang aming website ay may mga halimbawa ng karaniwang buwanang bayarin sa isang pamilya, pati na rin ang calculator ng bayarin kung saan mabubuo mo ang mga naka-personalize na tantiya ng bayarin. Bumisita sa sfpuc.gov/2026-rates para sa calculator ng bayarin at iba pang magagamit na impormasyon.
Ang mga bayarin ay naglalaman ng dalawang pangunahing elemento: ang mga hindi nagbabagong singil na saklaw ang mga pinaghahatiang gastos sa lahat ng customer at mga singil batay sa dami ng tubig na nagamit o nailabas na maruming tubig.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang sfpuc.gov/2026-rates. I-refer ang iyong pinakabagong bayarin para makuha ang iyong sukat ng metro at paggamit ng tubig (bawat buwan).
Mga Hindi Nagbabagong Buwanang Singil
Ang mga singil sa serbisyo ay pareho bawat buwan, anuman ang paggamit.
Ang mga singil sa serbisyo sa tubig ay iba-iba ayon sa laki ng metro. Saklaw ng mga singil sa serbisyo sa tubig ang mga hindi nagbabagong gastos, tulad ng bahagi ng serbisyo sa customer at pagsingil ng Water Enterprise, pagpapanatili sa mga metro ng tubig, at mga pasilidad na ginagamit upang magbigay ng tubig para sa proteksyon sa tubig na napakikinabangan ng lahat ng customer ng SFPUC.
Ang mga singil sa serbisyo sa alkantarilya ay pareho para sa lahat ng customer sa alkantarilya. Binabawi ng mga singil sa serbisyo sa alkantarilya ang bahagi ng mga hindi nagbabagong gastos na nauugnay sa hati ng Wastewater Enterprise sa serbisyo sa customer at pagsingil.
Ang bahagi ng tubig ulan sa ng bayarin sa alkantarilya ay para sa mga gastos na nauugnay sa paglilinis ng umaagos na tubig-ulan. Ang pinagsamang sistema ng alkantarilya ng SFPUC ay nililinis ang parehong maruming tubig at tubig-ulan. Ang bahagi ng tubig-ulan ay tinatasa sa estrukturang may tatlong antas para sa mga residensyal na customer, batay sa kabuuang laki ng parsela ng assessor, kung saan ang maliliit na parsela ay sinisingil nang mababa na unti-unting itinataas para sa malalaking parsela. Ang mga hindi residensyal, magkahalo ang gamit, at malalaking residensyal na parsela (mahigit 6,000 talampakang kuwadrado o may mahigit sa anim na tinitirahang yunit) ay sinisingil batay sa kabuuang lawak ng ibabaw na sumisipsip at hindi sumisipsip ng tubig. Ang mga ibabaw na napapasukan ng tubig, tulad ng mga taniman at damuhan, ay puwedeng sumipsip ng tubig maliban sa panahon ng malalakas na bagyo. Ang mga ibabaw na hindi sumisipsip ng tubig, tulad ng mga driveway at bubong, ay nagdidirekta ng mas maraming tubig sa — at nagpapataw ng mas maraming gastos sa — sistema ng alkantarilya. Binabawi ng bahagi ng tubig-ulan ang gastos sa imprastrukturang partikular sa tubig-ulan at bahagi ng tubig-ulan ng pinagsamang sistema ng alkantarilya.
Ang serbisyo ng tubig sa pribadong proteksyon sa sunog ay para sa mga ari-arian na may mga sprinkler o patayong tubo para sa sunog. Ang mga singil na ito ay kinakalkula upang saklawin ang mga gastos para sa serbisyo sa customer, bayarin, at pagpapanatili na partikular sa mga pribadong metro para sa sunog.
Mga Iminungkahing Singil ng Tubig para sa Buwanang Bayad sa Serbisyo (batay sa sukat ng metro)
| Sukat ng Meter | Kasalukuyang FYE 2026 | Iminumungkahing FYE 2027 | Iminumungkahing FYE 2028 |
|---|---|---|---|
| 5 / 8 pulgada | $18.36 | $19.65 | $21.02 |
| 3 / 4 pulgada | $23.30 | $24.93 | $26.68 |
| 1 pulgada | $33.21 | $35.53 | $38.02 |
| 1 1-/ 2 pulgada | $57.95 | $62.01 | $66.35 |
| 2 pulgada | $87.67 | $93.81 | $100.37 |
| 3 pulgada | $166.87 | $178.55 | $191.05 |
| 4 pulgada | $255.98 | $273.90 | $293.07 |
| 6 pulgada | $503.52 | $538.77 | $576.48 |
| 8 pulgada | $800.57 | $856.61 | $916.57 |
| 10 pulgada | $1,246.12 | $1,333.35 | $1,426.68 |
| 12 pulgada | $2,137.25 | $2,286.86 | $2,446.94 |
| 16 pulgada | $3,721.47 | $3,981.97 | $4,260.71 |
Mga Iminungkahing Singil ng Alkantarilya para sa Buwanang Bayad sa Serbisyo
| Singil ng Alkantarilya | Kasalukuyang FYE 2026 | Iminumungkahing FYE 2027 | Iminumungkahing FYE 2028 |
|---|---|---|---|
| Buwanang singil sa serbisyo (wastewater) | $5.76 | $6.62 | $7.58 |
Iminumungkahing Bahagi ng Tubig-ulan ng Singil sa Alkantarilya
| Buwanan kada Parsela ng Assessor | Kasalukuyang FYE 2026 | Iminumungkahing FYE 2027 | Iminumungkahing FYE 2028 |
|---|---|---|---|
| Residensyal Antas 1: 0-1,700 talampakang kuwadrado | $8.24 | $12.63 | $18.08 |
| Residensyal Antas 2: 1,701-3,300 talampakang kuwadrado | $12.82 | $19.66 | $28.13 |
| Residensyal Antas 3: 3,301-6,000 talampakang kuwadrado | $19.27 | $29.55 | $42.29 |
| Hindi Residensyal (Lahat ng iba pang customer) $/1,000 talampakang kuwadrado Sumisipsip ng tubig | $0.67 | $1.03 | $1.47 |
| Hindi Residensyal (Lahat ng iba pang customer) $/1,000 sq.ft Impermeable | $6.72 | $10.30 | $14.75 |
Iminungkahing Buwanang Pribadong Proteksyon sa Sunog
| Sukat ng metro | Kasalukuyang FYE 2026 | Iminumungkahing FYE 2027 | Iminumungkahing FYE 2028 |
|---|---|---|---|
| 1 pulgada | $9.31 | $9.96 | $10.66 |
| 1 1-/ 2 pulgada | $9.83 | $10.52 | $11.25 |
| 2 pulgada | $10.74 | $11.49 | $12.30 |
| 3 pulgada | $14.01 | $14.99 | $16.04 |
| 4 pulgada | $19.66 | $21.04 | $22.51 |
| 6 pulgada | $39.90 | $42.69 | $45.68 |
| 8 pulgada | $74.85 | $80.09 | $85.70 |
| 10 pulgada | $127.40 | $136.32 | $145.86 |
| 12 pulgada | $200.25 | $214.27 | $229.27 |
Mga Singil Batay sa Dami ng Nagamit: Mga Residensyal na Customer
Ang mga singil sa residensyal na tubig ay sinisingil batay sa nakametrong paggamit ng tubig at may dalawang antas. Para sa mga ari-ariang pang-isahang pamilya, ang unang apat na yunit ng tubig kada buwan ay sinisingil sa unang antas, at ang anumang mga karagdagang yunit ay sinisingil sa pangalawang antas. Para sa mga ari-ariang pangmaramihang pamilya, ang unang tatlong yunit ng tubig kada yunit ng tirahan kada buwan ay sinisingil sa unang antas, habang ang anumang mga karagdagang yunit ng tubig ay sinisingil sa pangalawang antas. Ang pangalawang antas ay ang mas mataas na singil sa yunit na sasalamin sa mga karagdagang gastos na kailangan upang makapagsilbi nang maaasahan sa maraming gumagamit nang 24/7.
Ang mga singil sa residensyal na maruming tubig ay sinisingil batay sa tinantiyang dami ng tubig na bumabalik sa sistema ng alkantarilya. Ang itinakdang dami para sa mga tirahang pang-isahang pamilya ay 90% ng paggamit ng tubig; ang itinakda para sa mga tirahang pangmaramihang pamilya ay 95% ng paggamit ng tubig. Ang lahat ng inilalabas na yunit ng maruming tubig ay pareho ang singil.
Mga Singil Batay sa Dami ng Nagamit: Mga Hindi Residensyal na Customer
Ang mga singil sa hindi residensyal na tubig ay sinisingil batay sa nakametrong paggamit ng tubig. Walang antas para sa mga hindi residensyal na customer.
Iba-iba ang mga singil sa hindi residensyal na maruming tubig batay sa dami ng duming nakikita sa inilabas ng iba’t ibang uri ng customer. Bilang resulta, ang mga singil na ipinapakita sa talahanayan ay may apat na bahagi: singil sa dami batay sa 90% ng singil na pagkonsumo ng tubig ng customer at tatlong singl sa lakas batay sa konsentrasyon ng dumi sa inilabas na maruming tubig ng customer. Ang mga konsentrasyon ay batay sa uri ng negosyong pinatatakbo sa siniserbisyuhang address. Bumisita sa aming website sa sfpuc.gov/2026-rates para hanapin ang mga pound ng dumi kada yunit ng maruming tubig para sa uri ng iyong negosyo.
Mga Singil Batay sa Dami ng Nagamit: (1 yunit ng tubig = 1 Ccf = 748 galon)
| Klase / antas ng kostumer | Kasalukuyang FYE 2026 | Iminumungkahing FYE 2027 | Iminumungkahing FYE 2028 |
|---|---|---|---|
| Residential na Pang-iisang Pamilya — Tubig kada yunit Unang 4 na yunit kada buwan (Antas 1) | $11.40 | $12.20 | $13.05 |
| Residential na Pang-iisang Pamilya — Tubig kada yunit Lahat ng karagdagang yunit (Antas 2) | $12.66 | $13.55 | $14.49 |
| Residential na Pangmaramihang Pamilya — Tubig kada yunit Unang 3 yunit kada yunit ng tirahan kada buwan (Antas 1) | $11.24 | $12.03 | $12.87 |
| Residential na Pangmaramihang Pamilya — Tubig kada yunit Lahat ng karagdagang yunit (Antas 2) | $12.07 | $12.91 | $13.82 |
| Hindi Residensyal - Tubig kada yunit Para sa lahat ng yunit ng tubig | $12.27 | $13.13 | $14.05 |
| Serbisyo sa Hindi Nilinis na Tubig Para sa lahat ng yunit ng tubig | $1.99 | $2.13 | $2.28 |
Mga Iminumungkahing Singil sa Maruming Tubig (1 yunit ng tubig = 1 Ccf = 748 galon)
| Singil ng Alkantarilya | Kasalukuyang FYE 2026 | Iminumungkahing FYE 2027 | Iminumungkahing FYE 2028 |
|---|---|---|---|
| Residensyal - Maruming Tubig kada yunit na inilabas Para sa lahat ng inilabas na yunit | $18.72 | $20.74 | $22.84 |
| Hindi Residensyal - Maruming tubig kada yunit na inilabas Dami kada inilabas na yunit | $10.43 | $11.34 | $12.22 |
| Hindi Residensyal - Maruming tubig kada yunit na inilabas Dami ng Oxygen na Kailangan kada lb. | $0.994 | $1.126 | $1.270 |
| Hindi Residensyal - Maruming tubig kada yunit na inilabas Kabuuan ng mga Solidong Nakalutang kada lb. | $1.944 | $2.205 | $2.489 |
| Hindi Residensyal - Maruming tubig kada yunit na inilabas Langis at Grasa (kada lb.) | $1.239 | $1.418 | $1.617 |
Pansamantalang Dagdag na Singil sa Tagtuyot
Ang dagdag na singil sa tagtuyot ay pansamantalang singil na ipinapataw lamang kapag ipinatupad ng Komisyon ng SFPUC ang Karagdagang Plano ng SFPUC para sa Kakulangan ng Tubig, na humihiling o nag-aatas na bawasan ng mga customer ang paggamit ng tubig. Kapag ipinatupad, itinataas ng dagdag na singil sa tagtuyot ang mga singil sa dami ng nagamit na tubig at maruming tubig para sa lahat ng uri ng customer hanggang sa mga porsyentong ipinapakita sa talahanayan sa kanan. Ang mga porsyentong ito ay kinakalkula upang mabawi ang mga gastos batay sa binawasang singil sa dami.
Bilang halimbawa, kung nagdeklara ang Komisyon ng tagtuyot sa Yugto 1, na humihiling sa mga customer na bawasan ang pagkonsumo ng tubig ng 5%, susuriin ng SFPUC ang inaasahang pagbawas sa siningilang dami at magtatakda ng dagdag na singil sa tagtuyot sa tubig at maruming tubig na hanggang 5%. Para sa tubig, ang 5% pansamantalang dagdag na singil na ito ay ilalapat sa parehong singil sa antas para sa mga customer ng residensyal na tubig at sa dami ng nagamit kada yunit para sa mga hindi residensyal na tubig. Para sa alkantarilya, ang dagdag na singil na ito ay ilalapat sa dami ng nagamit kada yunit ng inilabas na maruming tubig para sa mga residensyal at hindi residensyal na tubig, pati na rin ang singil kada pound ng mga dumi para sa mga hindi residensyal na customer.
Ang SFPUC ay maaaring magtakda ng porsyentong dagdag na singil na mas mababa sa ipinapakita sa talahanayan sa ibaba upang matiyak na ang mga singil ay hindi lumalampas sa mga gastos sa pagbibigay ng mga serbisyo sa tubig at alkantarilya sa mga customer.
Plano sa Contingency ng Kakulangan sa Tubig
| Yugto ng Karagdagang Plano sa Kakulangan ng Tubig | Pinupuntiryang Pagbawas sa Paggamit ng Tubig | Dagdag na Singil sa Tagtuyot sa mga Singil sa Dami ng Nagamit na Tubig at Maruming Tubig |
|---|---|---|
| Mga Yugto 1 - 3 | 5% | Hanggang sa 5% |
| Yugto 4 | 5 18-% | Hanggang sa 18% |
| Yugto 5 - 6 | 18 32-% | Hanggang sa 32% |
Mga Pamamaraan sa Pampublikong Pagdinig, Protesta at Pagtutol
Paunawa ng Pampublikong Pagdinig sa Iminungkahing Singil ng Tubig at Alkantarilya
Sa Martes, Abril 28, 2026, sa regular na pagpupulong ng Komisyon ng mga Pampublikong Utilidad ng San Francisco o San Francisco Public Utilities Commission (Komisyon) na magsisimula sa ganap na 1:30 pm, magdaraos ang Komisyon ng pampublikong pagdinig hinggil sa mga iminumungkahing pagbabago sa mga singil sa tubig at alkantarilya sa San Francisco City Hall, Room 400, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco, California, 94102.
Komento at Pakikibahagi ng Publiko: Diringgin ng Komisyon ng SFPUC ang mga pasalitang komento at isasaalang-alang ang lahat ng Protesta at Pagtutol na isinumite sa ilalim ng mga Pamamaraan sa Protesta at Hiwalay na Pamamaraan ng Paggamit ng Lahat ng Administratibong Remedyo sa pagdinig. Bukod dito, diringgin ng Komisyon ang mga sagot ng mga kawani sa mga Pagtutol sa pampublikong pagdinig. Ang mga pasalitang komento sa pampublikong pagdinig ay irerekord sa pampublikong rekord ng pagdinig ngunit hindi ibibilang bilang Protesta o Pagtutol. Ang mga nakasulat na Protesta at nakasulat na Pagtutol lamang ang ibibilang bilang mga pormal na Protesta sa ilalim ng Proposisyon 218. Sa pagtatapos ng pampublikong pagdinig, isasaalang-alang ng Komisyon ang pagpapatibay ng mga iminumungkahing pagtataas ng singil sa tubig at alkantarilya na inilalarawan sa paunawang ito. Maaaring magpataw ang Komisyon ng mga iminumungkahing singil kung ang mga napapanahong nakasulat na Protesta ay hindi isinumite ng mga may-ari ng ari-arian o customer na nasa rekord sa ngalan ng karamihan ng mga parselang apektado ng mga iminumungkahing pagbabago.
Pamamaraan ng Pagprotesta (Saligang Batas ng California, artikulo XIII D, § 6(a)): Ang may-aring nasa rekord ng anumang parsela kung saan iminumungkahing ipataw ang mga singil sa tubig at alkantarilya, o customer na nasa rekord na hindi may-ari ng ari-arian (hal., nangungupahan), ay maaaring magsumite ng nakasulat na Protesta sa isa o higit pang mga iminumungkahing pagbabago sa singil (“Protesta”); gayunpaman, isang Protesta lamang ang ibibilang sa bawat tinukoy na parsela. Ang anumang nakasulat na Protesta ay kailangang: (1) isaad na ang tinukoy na may-ari ng ari-arian o customer ay tutol na iminumungkahing pagtataas ng singil; (2) ibigay ang lokasyon ng tinukoy na parsela (sa pamamagitan ng numero ng parsela ng assessor, address ng kalye, o account ng customer); at (3) isama ang pangalan at lagda ng taong nagsusumite ng Protesta. Kung pinoprotesta ng panig ang isa o higit pang mga iminumungkahing pagbabago sa singil, dapat tukuyin ng panig ang antas o mga antas na ipinoprotesta. Bagaman hindi magiging kwalipikado ang mga pasalitang komento sa pampublikong pagdinig bilang pormal na Protesta maliban kung sinamahan ng nakasulat na Protesta, tinatanggap ng SFPUC ang opinyon mula sa komunidad sa oras ng pampublikong pagdinig tungkol sa mga iminumungkahing singil sa tubig at alkantarilya. Ang lahat ng Protesta ay kailangang matanggap ng SFPUC bago ang pagtatapos ng bahagi ng pampublikong komento ng pampublikong pagdinig sa Abril 28, 2026.
Hiwalay na Pamamaraan ng Paggamit ng Lahat ng Administratibong Remedyo
(Kodigo ng Gobyerno § 53759.1): Ang may-aring nasa rekord ng anumang parsela kung saan iminumungkahing ipataw ang mga singil sa tubig at alkantarilya, o customer na nasa rekord na hindi may-ari ng ari-arian (hal., nangungupahan), ay maaaring magsumite ng nakasulat na Pagtutol (“Pagtutol”) sa Komisyon.
Ang Anumang Pagtutol ay kailangang: (1) isaad ang partikular na pagbabago sa singil para kung saan isinusumite ang Pagtutol; (2) ibigay ang lokasyon ng tinukoy na parsela (sa pamamagitan ng numero ng account ng customer, address ng kalye, o numero ng parsela ng assessor); at (3) isama ang pangalan ng panig na nagsusumite ng Pagtutol; (4) isaad na Pagtutol ang isinusumite; at (5) tukuyin ang mga batayan sa pagsasaad diumano ng hindi pagsunod ng SFPUC sa Proposisyon 218. Mangyaring tandaan na ang mga partikular na batayan ay kailangang sapat ang detalye upang magbigay-daan sa SFPUC na matukoy kung maaaring kailanganin ang mga pagbabago sa iminumungkahing pagbabago sa singil. Sa pamamagitan ng halimbawa, hindi sapat ang Pagtutol na nagsasaad na ang iminumungkahing pagbabago sa singil ay lumalabag sa Proposisyon 218, nang hindi nagbibigay ng detalye na nagpapaliwanag ng batayan para sa pagpapahayag na ito. Ang mga Pagtutol ay kailangang matanggap sa pamamagitan ng koreo o personal na ihatid nang hindi lalampas ng 4:30 pm Pacific Time sa Huwebes, Abril 2, 2026. Ang hindi pagsusumite sa oras ng Pagtutol ay pagbabawalan ng anumang karapatan na kuwestiyunin ang bayad o singil sa pamamagitan ng legal na paglilitis. Ang lahat ng Pagtutol na natanggap sa oras ay ibibilang din bilang Protesta. Ang anumang Pagtutol na natanggap pagkatapos ng 4:30 pm sa Huwebes, Abril 2, 2026 at bago ag pagsasara ng bahagi ng pampublikong komento ng pampublikong pagdinig ay isasaalang-alang lamang at ibibilang bilang Protesta at hindi Pagtutol.
Ang mga Pagtutol at Protesta ay maaaring ipadala sa:
SFPUC, ATTN: Director of Commission Affairs,
525 Golden Gate Avenue, 13th Floor,
San Francisco, CA 94102.
Maaari ring personal na ihatid sa Customer Service Bureau sa 525 Golden Gate Avenue, Ika-1 Palapag, Lunes hanggang Biyernes, 9 am hanggang 4:30 pm, hindi kasama ang mga legal na holiday. Ang mga Pagtutol na personal na inihatid ay kailangang ideposito sa kahon na may pangalang “2026 Water and Sewer Rate Written Objections Only” (“Mga Nakasulat na Pagtutol sa Singil sa Tubig at Alkantarilya sa 2026 Lamang”).
Maaari ring personal na ihatid ang mga protesta sa Director of Commission Affairs sa panahon ng seksyon ng mga pampublikong komento ng pagdinig sa singil.
Ang mga Pagtutol o Protesta na isinumite sa pamamagitan ng email, fax, o iba pang mga pamamaraan na hindi nabanggit sa itaas ay hindi tatanggapin bilang Pagtutol o Protesta. Sa pampublikong pagdinig nito noong Abril 28, 2026, isasaalang-alang ng Komisyon ng SFPUC ang lahat ng isinumite sa oras na Pagtutol at mga sagot ng SFPUC.
Sa ilalim ng Kodigo ng Gobyerno ng California 53759, mayroong 120 na itinakdang limitasyon sa panahon para sa pagkuwestiyon sa anumang bago, dagdag, o pinalawak na bayad o singil. Ang mga itinakdang limitasyon sa panahon ay naaangkop sa mga singil at ipinapataw sa serbisyo sa tubig at alkantarilya na iminumungkahi sa paunawang ito. Naaangkop din ito sa mga pagbabago sa hinaharap sa mga singil at ipinapataw sa tubig at alkantarilya. Sa ilalim ng Kodigo ng Gobyerno seksyon 53759.1, tanging ang mga panig na nagsumite sa oras ng Pagtutol sa mga singil na ito ang maaaring magsampa ng legal na pagkuwestiyon.
Pinahahalagahan namin ang iyong opinyon.
Kung mayroon kang mga katanungan o nagnanais ng higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa sfpuc.gov/2026-rates o email ratesinfo@sfwater.org.
PAUNAWA NG PAMPUBLIKONG PAGDINIG
Mahalagang Impormasyon Hinggil sa mga Singil sa Tubig at Alkantarilya
Iminumungkahi para sa mga Piskal na Taon na Magtatapos sa 2027-2028.
Mayroon kang 120 araw para kwestiyunin ang mga pagbabago sa singil.
Kumuha ng higit pang impormasyon sa: sfpuc.gov/2026-rates o (415) 554-3289.
Upang humiling ng ganap na isinaling bersyon ng paunawang ito, mangyaring mag-email sa: ratesinfo@sfwater.org.