Mga Aktibong Alerto

Kung nakakaranas ka ng problema sa tubig, kuryente, o imburnal o serbisyo, tawagan ang aming 24 na oras na hotline sa 3-1-1 o (415) 701-2311 mula sa labas ng SF o mag-log on sa sf311.org. Matuto pa o suriin mga aktibong alerto sa serbisyo.

Panukala 218: Abiso para sa mga Ipinanukalang Rate ng Tubig at Sewer

Simula Hulyo 1, 2023, inaprubahan na ng Komisyon ng SFPUC ang pagtaas ng mga rate ng tubig at sewer para sa katapusan ng mga fiscal na taon 2024 - 2026.

Espanyol | 中文 | Pilipino | Tiếng Việt | عربي | Pусский | Samoano

Ang Panukala 218 ay isang pagbabago sa Konstitusyon ng California na inaatasan ang mga ahensya at utility ng pamahalaan na abisuhan ang mga may-ari ng ari-arian tungkol sa mga ipinanukalang pagbabago sa mga rate ng mga serbisyo. Kailangang magpadala ng nakasulat na abiso sa mga may-ari ng ari-arian 45 araw bago ang nakaiskedyul na pampublikong pagdinig tungkol sa mga ipinanukalang singil. Nagpadala ng Abiso ng Panukala 218 ang SFPUC sa lahat ng aming nakarehistrong may-ari ng ari-arian para ipaalam ang isang pampublikong pagpupulong na gaganapin sa Mayo 23, 2023 kaugnay ng mga ipinanukalang pagtaas ng rate ng tubig at sewer para sa taong piskal 2024-2026.

Ipinapakita ng aming mga rate ang totoong gastos sa pagpapatakbo, pagpapanatili, at pag-a-upgrade ng mga sistema ng tubig at sewer ng San Francisco. Para ipagpatuloy ang paghahatid ng mga serbisyo na inaasahan ng mga taga-San Francisco, ipinapanukala ng SFPUC ang pagtataas ng rate ng tubig at sewer, simula sa Hulyo 1, 2023. Kinakatawan ng mga bagong ipinanukalang rate ang average na buwanang pagtaas ng bill na $12.69 kada taon para sa average na residensyal na tirahan ng isang pamilya sa San Francisco. Iyon ay tinatayang 8.3% kada taon. Kahit na may mga ipinanukalang pagtaas ng rate, ang average na bill ng tubig at sewer ng customer sa San Francisco ay magiging mas mababa pa rin kaysa sa mga kasalukuyang bill sa Los Angeles at Santa Clara, at mas mataas lang nang kaunti kaysa sa San Diego at San Jose.

Basahin ang Pampublikong Abiso sa Wikang English, Spanish, Chinese, o Filipino.

Abiso ng Pampublikong Pagdinig tungkol sa Mga Panukalang Rate ng Tubig at Sewer

Sa pagpupulong ng Komisyon ng SFPSUC sa Mayo 23, 2023, pagbobotohan ng mga Commissioner ng SFPUC ang mga ipinanukalang pagtaas ng rate ng tubig at sewer. Tatanggapin ng SFPUC ang opinyon mula sa komunidad. Puwedeng magbigay ang publiko ng mga komento habang nasa pampublikong pagdinig na ito kapag natalakay na ang item ng agenda.

May karapatan din ang mga customer na magsumite ng isang nakasulat na pagtutol laban sa mga panukalang rate ng tubig at sewer. Kung nakatanggap ang SFPUC ng mga nakasulat na pagtutol mula sa karamihan ng mga apektadong may-ari ng ari-arian at customer, hindi ipapatupad ang mga ipinanukalang pagtaas ng rate.

Kailangang ipadala ang mga nakasulat na protesta sa Kalihim ng Komisyon ng SFPUC sa address sa ibaba o personal itong dalhin sa Kalihim ng Komisyon sa pampublikong pagdinig sa Mayo 23, 2023 para maibilang. Hindi puwedeng ipadala ang mga pagtutol nang elektroniko o berbal.

Kailangan ng anumang nakasulat na pagtutol na: 1) ipahayag na tumututol ang tinukoy na may-ari ng ari-arian o customer sa mga panukalang pagtaas ng rate; (2) ibigay ang lokasyon ng tinukoy na lupa (batay sa numero ng lupa mula sa assessor, address ng kalsada, o account ng customer); at (3) isama ang pangalan at lagda ng taong nagsumite ng pagtutol. Isang pagtutol lang ang puwedeng iparehistro kada ari-arian.

Hindi kuwalipikado ang mga berbal na komento sa pampublikong pagdinig bilang pormal na pagtutol maliban kung may kasamang nakasulat na pagtutol.

Magpadala ng mga Pagtutol sa:
SFPUC Commission Secretary
525 Golden Gate Avenue, 13th Floor
San Francisco, CA 94102

Sa ilalim ng Batas ng Pamahalaan ng California seksyon 53759, may 120 araw na statute of limitations para kuwestiyunin ang anumang bago, pinataas, o pinatagal na bayarin o singil. Nalalapat ang statute of limitations na ito sa mga panukalang rate at singil ng serbisyo ng tubig at sewer sa abisong ito. Nalalapat din ito sa mga singil sa hinaharap para sa mga rate at singil sa tubig at sewer.

Para sa mga tanong, mag-email sa  ratesinfo@sfwater.org.