Mga Aktibong Alerto

Kung nakakaranas ka ng problema sa tubig, kuryente, o imburnal o serbisyo, tawagan ang aming 24 na oras na hotline sa 3-1-1 o (415) 701-2311 mula sa labas ng SF o mag-log on sa sf311.org. Matuto pa o suriin mga aktibong alerto sa serbisyo.
Niyakap ni Nanay ang isang anak na babae.

Makatipid ng Hanggang 40% sa Inyong Bill sa Tubig

Espanyol | 中文 | Pilipino | Tiếng Việt | عربي | Pусский | Samoano

Kung mababa ang inyong kita at nagbabayad kayo ng bill ng tubig at sewer sa SFPUC, posibleng kuwalipikado kayong makatanggap ng 25% o 40% diskuwento sa inyong bill! 

Ang mga customer na naka-enroll sa Customer Assistance Program (CAP) ay hindi rin kasama sa mga puputulan ng tubig at papatawan ng mga lien sa ari-arian dahil sa utang sa utility sa loob ng isang taon pagkatapos makapasok sa programa.  

Mga Kailangan para Maging Kuwalipikado

  1. May iisa lang kayong service account para sa tubig at sewer sa SFPUC.  
  2. Nakapangalan sa inyo ang inyong bill sa tubig at sewer. 
  3. Full-time na residente kayo sa address kung saan matatanggap ang diskuwento.  
  4. Hindi kayo idineklarang dependent sa tax return ng ibang tao.
  5. Mayroon kayong isang residensyal na single-family account na nakahiwalay ang metro. Kasama sa mga halimbawa ng mga account na hindi kuwalipikado sa CAP ang mga account para sa serbisyo sa sunog, multiple na residensyal, irigasyon, komersyal, at wholesale.
  6. Hindi lampas ang pinagsamang gross na kita ng sambahayan ninyo sa Mga Alituntunin ng CAP sa Kita na nasa ibaba.

Dapat na mas mababa o katumbas ng halagang makikita sa talahanayan sa ibaba ang lahat ng pinagsamang kita ng inyong sambahayan:

Laki ng Sambahayan Taunang Kita ng Sambahayan (40% diskwento) Taunang Kita ng Sambahayan (25% diskwento)
1 Tao $32,750 $54,550
2 Tao $37,400 $62,350
3 Tao $42,100 $70,150
4 Tao $46,750 $77,950
Area Median Income sa San Francisco para sa 2025, Opisina para sa Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad (Housing and Community Development) ng Mayor (San Francisco Mayor’s Office of Housing and Community Development)

Hanapin ang inyong antas ng Area Median Income (AMI) | San Francisco (sf.gov)


Pumili ng isa sa mga sumusunod na opsyon upang matuto kung paano mag-apply

Opsyon 1: Ipadala sa pamamagitan ng koreo ang application mo na may beripikasyon ng kita, o
Opsyon 2: Ipadala sa pamamagitan ng koreo ang application mo at awtorisasyon sa SFPUC upang beripikahin ang kita mo sa HSA or
Opsyon 3: Puwede rin kayong mag-apply nang personal sa Counter ng Mga Serbisyo para sa mga Mamimili.


Opsyon 1: Ipadala sa pamamagitan ng koreo ang application mo na may beripikasyon ng kita

I-download ang Customer Assistance Program application (available ang walong wika). I-print at ipadala sa pamamagitan ng koreo ang nakumpletong application mo na may beripikasyon ng kita.

Upang humiling ng naka-print sa papel na application na ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo o kung kailangan mo ng tulong, tumawag sa 415-551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 9am hanggang 4:00pm (maliban kung holiday).  

Para sa beripikasyon ng kita, mangyaring magsumite ng isa sa mga sumusunod kasama ng application mo:

  • 2 magkasunod na paycheck stub, o
  • 2 magkasunod na kopya ng mga tseke ng Social Security, o
  • 2 magkasunod na kopya ng mga tseke ng SSI, o
  • W-2 form, o
  • Liham ng Beripikasyon sa Benepisyo ng Social Security, o
  • Pahayag ng mga benepisyo para sa kawalan ng trabaho

Kung wala kang access sa alinman sa mga dokumentong ito, tumawag sa 415-551-3000 upang talakayin ang mga opsyon mo.  


Opsyon 2: Ipadala sa pamamagitan ng koreo ang application mo at awtorisasyon sa SFPUC upang beripikahin ang kita mo sa HSA

Mag-print at ipadala ang isang application. Upang humiling ng naka-print sa papel na application na ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo o kung kailangan mo ng tulong, tumawag sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 9am hanggang 4:30pm (maliban kung holiday).  

Para sa mga aplikanteng nakakatanggap ng pampublikong tulong mula sa Ahensya ng Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA), puwede nila kaming pahintulutang beripikahin ang kanilang kita sa HSA sa pamamagitan ng pag-print at pagpapadala sa pamamagitan ng koreo ng aplikasyon.  


Opsyon 3: Mag-apply nang personal sa Counter ng Mga Serbisyo para sa mga Mamimili

Mag-apply sa personal. Ang Counter ng Mga Serbisyo para sa mga Mamimili ng SFPUC ay nasa 525 Golden Gate Avenue, San Francisco, 1st Floor.

Maaari kang magdala ng isang kumpletong application, o humiling ng application na pupunan mo pagdating mo. Mangyaring magdala ng beripikasyon ng kita at handa ang inyong account number. Bilang alternatibo, ang mga aplikanteng nakakatanggap ng pampublikong tulong mula sa Ahensya ng Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA) ay maaari kaming pahintulutang beripikahin ang kanilang kita sa HSA sa kanilang application nang walang karagdagang sumusuportang dokumento.

Para sa beripikasyon ng kita, mangyaring magsumite ng isa sa mga sumusunod kasama ng application mo:

  • 2 magkasunod na paycheck stub, o
  • 2 magkasunod na kopya ng mga tseke ng Social Security, o
  • 2 magkasunod na kopya ng mga tseke ng SSI, o
  • W-2 form, o
  • Liham ng Beripikasyon sa Benepisyo ng Social Security, o
  • Pahayag ng mga benepisyo para sa kawalan ng trabaho

Kung wala kang access sa alinman sa mga dokumentong ito, tumawag sa (415) 551-3000 upang talakayin ang mga opsyon mo.


Mga Aplikasyon ng Customer Assistance Program (CAP).

Aplikasyon ng Arabe Aplikasyon ng Ruso
Aplikasyon ng Chinese Espanyol Application
Application ng Ingles Espanyol Application
Aplikasyon sa Filipino Aplikasyon ng Vietnamese

Mga apela

Puwedeng kumpirmahin ng SFPUC ang pagiging kuwalipikado anumang oras habang tumatanggap ang kostumer ng diskuwento sa CAP at maaaring kanselahin ang paglahok batay sa hindi pagiging kwalipikado.

Kung tatanggihan ang isang aplikasyon dahil sa pagiging hindi kuwalipikado, puwedeng umapela ang aplikante. Nakasulat dapat ang apela at may kasama dapat itong pansuportang dokumentasyon sa loob ng 30 araw ng pagtanggi.

Ipadala ang mga apela sa pamamagitan ng koreo sa:
San Francisco Water, Power and Sewer
Attn: CAP Program
525 Golden Gate Ave., 2nd Floor
San Francisco, CA 94102

Priyoridad namin ang aming mga komunidad. Kung hindi pa kayo nakakabayad ng mga bill ninyo, magagamit ng mga kostumer ang umaangkop na plano ng pagbabayad sa pagtawag sa Mga Serbisyo para sa mga Mamimili sa 415-551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday).