2023 Mga Rate na Madalas Itanong
Simula Hulyo 1, 2023, inaprubahan na ng Komisyon ng SFPUC ang pagtaas ng mga rate ng tubig at sewer para sa katapusan ng mga fiscal na taon 2024 - 2026.
Espanyol | 中文 | Pilipino | Tiếng Việt | عربي | Pусский | Samoano
Bakit kailangan ninyong itaas ang mga rate ng tubig at sewer?
Marami sa mga bahagi ng ating sistema ng tubig ay humigit-kumulang 100 taong gulang na, at ang mga pinakalumang bahagi ng ating sistema ng sewer ay mula pa noong Gold Rush. Kailangang i-upgrade ang mga ito para maiwasan ang mga pagkasira, mapataas ang kaligtasan mula sa lindol, at makaangkop sa mga tagtuyot at bagyo habang nagbabago ang klima. Sa dagdag na pamumuhunan, matitiyak na maipagpapatuloy ng ating mga sistema ng tubig at sewer ang pagprotekta sa pampublikong kalusugan.
Nakabatay ang aming mga rate sa mga aktuwal na gastos sa pagbibigay sa inyo ng serbisyo ng tubig at sewer, at wala nang iba pa. Ayon ito sa batas. Itinataas namin ang mga rate kung kinakailangan para mabayaran ang aming mga gastos sa pagpapatakbo at pamumuhunan para matugunan ang aming hangarin na makapagbigay ng malinis at maaasahang mapagkukunanan ng inuming tubig sa aming mga customer at maingat na pagbabalik ng nilinis na maruming tubig sa kalikasan.
Paano ninyo natutukoy ang halagang sisingilin sa mga nagbabayad ng rate?
Kailangan ng SFPUC na magsagawa ng hiwalay na pag-aaral ng mga rate kahit tuwing ikalimang taon para matiyak na sinasalamin ng mga rate na sinisingil sa mga customer ang totong gastos sa pagkakaloob ng aming mga serbisyo. Isinagawa ang huling pag-aaral ng mga rate para sa tubig at sewer noong 2018, at kailangan na ng bagong pag-aaral. Natukoy ng bagong hiwalay na pag-aaral ng rate na kailangan nang itaas ang rate.
Sa kabila ng mga ganitong kinakailangang pagtaas ng rate, lubos na mataas ang halaga ng aming mga serbisyo. Ang isang galon ng aming word-class na tubig galing sa gripo ay magkakahalaga lang ng 1 sentimo, habang ang isang galon ng bottled water ay nagkakahalagang $2 sa average. Competitive din ang mga ipinanukalang bagong rate, sa kabila ng pagtaas na ito. Ang average na bill ng tubig at sewer ng customer sa San Francisco ay magiging mas mababa pa rin kaysa sa mga kasalukuyang bill sa Los Angeles at Santa Clara at mas mataas lang nang kaunti kaysa sa San Diego at San Jose.
Nauunawaan namin na mahirap para sa maraming taga-San Francisco ang pagbabadyet. Ito ang dahilan kaya kami nag-aalok ng maraming paraan para mapababa ng mga tao ang kanilang bill, mula sa mga grant at rebate hanggang sa Programa ng Tulong sa Customer na nagbibigay ng 25% diskuwento sa mga bill sa tubig at maruming tubig para tulungan ang mga nangangailangang customer. Matuto pa sa sfpuc.org/savings.
Ano ang mangyayari kapag hindi itinaas ang mga rate?
Kakailanganin naming tingnan ulit ang matitinding pangangailangan ng aming mga nalulumang sistema at gawing priyoridad ang mga pinakakailangan para matiyak ang kalusugan ng publiko at ng kalikasan. Mapipilitan kaming ipagpaliban ang malalaking proyekto ng imprastruktura, na gagawing vulnerable o madaling masira ang ating mga kasalukuyang sistema. Kailangan na ngayon ang mga pamumuhunan na ito. Kapag ipinagpaliban pa ito nang mas matagal, magagarantiya lang nito ang mas matataas na gastos at posibleng mas madalas na panregulasyong pangangasiwa ng mga nagpapahintulot na ahensya.
Ano ang inyong ginagawa para tulungan ang mga tao na hindi kayang bayaran ang mga tumaas na rate?
Alam naming isang isyu sa ating mga komunidad ang pagiging abot-kaya. Para sa aming mga customer na may mababang kita, nag-aalok kami ng Programa ng Tulong sa Customer na nagbibigay ng 25% diskuwento sa mga bill ng tubig at sewer para sa mga kuwalipikadong customer. Mabilis at madali lang mag-apply! sfpuc.org/WaterCAPorg/WaterCAP.
Matutulungan rin kayo ng SFPUC na mapababa ang inyong bill sa pamamagitan ng paggamit ng mas kaunting tubig. Matutulungan namin kayo gamit ang isang libreng na-personalize na pagsusuri ng paggamit ng tubig at mga rebate para sa matitipid na banyo, washing machine, at iba pang kagamitan. Puwede ring mag-sign up ang mga customer para sa isang online portal para sa pagbabayad ng bill na tinatawag na MyAccount, na ipinapakita ang paggamit ng tubig. Makikita ang mga karagdagang resource sa sfpuc.org/savings.
Kung hindi pa kayo nakakabayad ng inyong mga bill sa tubig/sewer, magagamit ng mga customer ang mga flexible na plano ng pagbabayad sa pamamagitan ng pagtawag sa Customer Service sa (415) 551-3000, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm (maliban kung holiday). Mataas na ang iba pang bill; nagiging mas hindi abot-kaya ang San Francisco dahil dito!
Nakatuon kaming panatilihing abot-kaya ang aming mga rate at makapagbigay ng paraan sa lahat ng aming customer na mas mapababa ang kanilang mga bill. Sa mga ipinanukalang pagtaas ng rate, ang average na bill ng tubig at sewer ng customer sa San Francisco ay magiging mas mababa pa rin kaysa sa mga kasalukuyang bill sa Los Angeles at Santa Clara, at mas mataas lang nang kaunti kaysa sa San Diego at San Jose.
Makikita ang aming dedikasyon na gawin itong abot-kaya sa iba't ibang programa na aming inaalok para tulungan ang mga customer na mapababa ang kanilang bill. Nagbibigay ng diskuwento sa mga bill ng tubig at wastewater ang aming Programa ng Tulong sa Customer para tulungan ang mga nangangailangang customer. Dagdag pa, nag-aalok kami ng mga libreng resource para makatipid ng tubig at pera, kasama ang mga grant para ibawas sa bill ang bahagi para sa tubig-ulan. Makikita ang higit pang impormasyon sa sfpuc.org/savings.
Walang may gusto ng pagtaas ng rate, pero kapag hindi naisagawa ang mga kinakailangang upgrade na ito, magiging mas mahal ang alternatibo nito para sa aming mga nagbabayad ng rate pagdating ng panahon.
Ano ang singil para sa tubig-ulan?
Nililinis ng pinagsamang sistema ng sewer ng SFPUC ang maruming tubig at tubig-ulan. Kapag tag-ulan, naiipon ng tubig-ulan ang mga basura at pollutant habang umaagos sa mga bubong, bangketa, kalsada, at paradahan, at dumadaloy sa mga kanal sa buong San Francisco. Inaalis ng SFPUC ang mga basura at pollutant bago pakawalan ang tubig sa Karagatang Pasipiko at Look ng San Francisco. Ang gastos sa paglilinis ng tubig-ulan ay inilalakip sa singil sa tubig-ulan. Ang singil sa tubig-ulan ay bahagi ng singil sa sewer ng bill mo. Nakabatay ito sa dami ng tubig-ulan na dumadaloy mula sa ari-arian ng isang customer para linisin sa aming system. Isang standarad na kasanayan ang ganitong uri ng alokasyon sa mga utility na isinasaalang-alang ang kinabukasan sa buong bansa.
Isa bang bagong paraan para makakulekta ng pera ang singil sa tubig-ulan?
Hindi. Sinasakop na ng iyong bill sa sewer ang mga gastos sa pangongolekta at paglilinis ng sewer at tubig-ulan. Hahatiin ng bagong istruktura ng rate ang bahagi ng sewer sa mga bill sa dalawang bahagi: bahaging para sa maruming tubig at bahaging para sa tubig-ulan. Hindi babaguhin ng bagong istrukturang ito ang kabuuang kitang makokolekta ng SFPUC, pero mas pantay-pantay nitong hahatiin ang mga kasalukuyang gastos ng pamamahala ng maruming tubig sa mga nagbabayad ng rate. Paunti-unting ipapatupad ang bagong istrukturang ito sa loob ng mahigit pitong taon. Hihikayatin din ng bagong istruktura ang pagkakaroon ng mga sustainable na kasanayan sa pamamahala ng tubig-ulan. Kapag mas maraming tao ang kumokolekta ng tubig-ulan para hindi ito mapunta sa sistema ng sewer, mas bababa ang bahaging ito ng kanilang bill. Dapat pagtulungan ng buong Lungsod ang pamamahala ng mga bagyo at pagpapababa ng panganib sa pagbaha.
Paano kinakalkula ang singil sa tubig-ulan?
Nakabatay ang singil sa tubig-ulan sa mga pisikal na katangian ng isang ari-arian. Hindi sumisipsip ng tubig-ulan ang mga lugar na hindi madaling tagusan ng tubig, gaya ng semento, aspalto, at bubong. Nagbibigay-daan ang lugar na madaling tagusan ng tubig, gaya ng damuhan o lupa, na sumipsip ng tubig-ulan papunta sa ilalim ng lupa pero nagdudulot pa rin ito ng runoff. Sinisingil ng mas mataas na rate ang lugar na hindi madaling tagusan ng tubig kaysa sa lugar na madaling tagusan ng tubig. Kasama sa standard rate ang mas malalaking customer. Kabilang sa isang pinasimpleng residensyal na rate ang mas maliliit na residensyal na customer.
Mayroon ba akong puwedeng gawin para mabawasan ang singil sa akin sa tubig-ulan?
Oo. Nakakatulong ang mga customer na nangongolekta ng tubig-ulan sa kanilang ari-arian gamit ang makakalikasang imprastruktura na mapahusay ang performance ng sistema ng sewer. Pinaplano ng SFPUC na mag-alok ng mga credit sa bill sa mga customer na nangongolekta ng tubig-ulan sa kanilang ari-arian. Nag-aalok din ang SFPUC ng mga grant para sa pangongolekta ng tubig-ulan, kasama ang para sa pag-install ng makakalikasang imprastruktura sa malalaking pampubliko at pampribadong ari-arian, na may hangaring mabawasan ang pagdaloy ng tubig-ulan habang naghahatid ng mga benepisyo sa publiko na nagpapahusay sa kalidad ng buhay para sa lahat ng nagbabayad ng rate sa SFPUC. Makahanap ng higit pang impormasyon sa sfpuc.org/programs/grants.
Manatiling May Alam
Matuto pa tungkol sa aming mga rate ng tubig at sewer sa sfpuc.org/2023Rates, kasama ang mga programa sa diskuwento, rebate, at incentive para sa mga customer. Para sa mga tanong tungkol sa mga rate ng tubig at sewer, mag-email sa amin sa ratesinfo@sfwater.org O tumawag sa (415) 554-3289.